Feeds:
Posts
Comments

Archive for September, 2009

babalik ako!

SDC13862

gabi nang nilisan namin ang davao papuntang camiguin. sampung oras ang binyahe namin kaya naman mood-setter agad ang magandang tanawin na naabutan namin sa port pa lang ng lugar. mahaba-habang lakwacha ito.

SDC14037

iba ang camiguin. iba sya sa poland, sa davao, sa marikina.  una dahil walang signal ang sun. meron ang smart at globe pero sa piling lugar lang. pangalawa, tahimik ang lugar. walang taxi at kung anu-ano pang kaek-ekan —– tricycle at jeepneys lang. pangatlo, maganda talaga ang paligid — o baka overwhelmed lang ako sa dami ng lanzones. haha.

SDC13863

una naming pinuntahan ang sto nino cold spring. malamig talaga sya. sobrang lamig. hindi ka makakalangoy ng todo-todo sa cold spring. walang waves. nalungkot ako dun,  hindi ako nakapag-exhibition. pero ayos lang. mas mabuti na ‘yon kasi nga may iba akong kasama na hiyang sa ganung takbo ng tubig. gaya na lamang ni sonny na halatang takot na takot sa malalim na tubig. patunay ang larawan sa baba (photo from shane).

IMG-0287

sunod naming pinuntahan ang soda swimming pool. kung bakit ganon ang pangalan ay hindi ko alam. sandali lang akong nagbabad sa lugar na ‘to dahil sobrang init na ng sikat ng araw. cold spring din dito. pero hindi umubra ang init sa balat ng mga kasama ko dahil nagpose pa rin ang lahat sa malaking bato, gilid ng pool.

IMG-8493

dumaan kami sa isang nasirang simbahan na hindi ko naman masyadong feel kaya hindi ko na idedetalye ang nangyari doon. duniretso na tayo sa sikat na sikat na sunken cemtery. sa mga hindi masyadong pamilyar sa lugar, nakapunta na rin dito si jolens at juday dahil dito sila nagshoot for their horror movie, ouija. dito natuklaw ng ahas ang kapatid ni jolens (?).

SDC13987

sunod na pinuntahan ay ang katibawasan falls kung saan isang papansin na unggoy ang sasalubong sa inyo. at dahil nga kaagaw ko ang mga unggoy sa mga saging sa mundo, hindi ako masyadong natuwa sa presensya nya sa entrance. pero maraming hakbang pa mula sa falls ay dinig ko na ang tubig. exciting. at lalo akong namangha nang nakita ko na talaga ang mataas na falls at ang mejo maputik na tubig sa baba. masaya, perstaym kong makakita ng falls e. weh.

SDC14016

maraming spots na nga kaming napuntahan. kaya naman sureball napagod kaming lahat. pero napawi ‘yon nung tinungo namin ang white island. tinanggal ang pagod namin. dabest. kasama ko si paru-paru at val sa larawan sa baba. 9919_1258611344736_1213221047_811102_646578_n

huling tinungo namin ang ardent hibok-hibok spring. bilib na ako kung iisipin nyo pang cold spring din yan. haha. what a warm way to end the day ang drama namin. dito ako pinaka-hindi masyadong masaya.. pano ba naman kasi, ako ata ang pinakahuling tao na naligo dito. kasi, takot ako sa mainit na tubig. kaya naman kailangan pa nila akong i-drag to the max. mabuti na lang, may mga eye-candies sa paligid. e di lalong uminit diba? :))

SDC14029

ayan na. natapos ang lakwacha sa loob ng isang araw. nakakapagod pero sobrang saya. pramis.

nga pala, may isang pagkakapareho ang camiguin sa ibang lugar na pinupuntahan ko — natatapos ang gabi ng may nalalasing. weh.

SDC14038

babalik at babalik ako sa camiguin. sana nga makasama din ako sa pinaplanong trip to camiguin ng iba ko pang mga kaibigan. 🙂

p.s. ang ibang larawan ay nasa aking facebook.

Advertisements

Read Full Post »

camiguin escapades

camiguin port camiguin port

soon.

Read Full Post »

thesis it!

SDC13647

SDC13646

7 weeks to go na lang daw before this semester ends. panic kung panic. ready na ang thesis ko. revised draft na ang nasa larawan, ipapasa sa adviser at sa panelists ko. ready na… kung ready ang pag-uusapan. ayokong maniwala sa adviser ko pero sabi nya ok na daw ang lahat.

sana lang, hindi ko marinig sa araw ng defense ko (September 11) ang linyang:

CHANGE TOPIC!

p.s.: ipagdasal nyo naman ako o. please? thanks. 🙂

Read Full Post »